BAGYONG VINTA – 4,300 pamilya, isinailalim sa preemptive evacuation

Samar, Leyte – Aabot sa apat na libo at tatlong daan (4,300) pamilya ang isinailalim na sa preemptive evacuation dahil sa epekto ng bagyong Vinta sa Mindanao

Habang anim na libo apat raan at lima ang estranded na pasahero sa ibat ibang pantalan sa bansa.

Ang mga pantalang ito ay sa Port Of Manila, Cebu,Tagbilaran, Surigao, Cagayan De Oro, Ozamis, Dapitan, Butuan, Western Leyte at Southern Leyte at Dumaguete.


Patuloy naman ang paalala ng NDRRMC sa mga residente na ang lugar ay sentro ng bagyong Vinta na mas maging alerto.

Samantala sa epekto naman ng bagyong Urduja, 12 lugar na ang isinailalim sa State of Calamity.

Isinailalim na sa State of Calamity ang ilang lugar dahil sa bagyong Urduja.
Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council spokesperson Romina Marasigan, malaki ang tinamong pinsala sa Ormoc City; Tacloban City; Sta. Fe, Leyte; Biliran; Tanauan, Leyte; Can A Vid, Eastern Samar; Zumarraga, Samar, Llorente, Eastern Samar; Barugo, Leyte; Eastern Samar; Northern Samar; at Samar.

Facebook Comments