BAGYONG VINTA | Forced evacuation, inaasahang ipatutupad

Manila, Philippines – Nagbigay na ng abiso ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa publiko na antabayanan ang kanilang ilalabas na memorandum para sa forced evacuation na ipatutupad sa mga lugar na dadaanan ng bagyong Vinta.

Ayon Kay NDRRMC spokesperson Romina Marasigan, ito ay bilang pag-ingat sa mga posibleng landslide dahil sa malakas na bugso ng bagyong Vinta.

Pinayuhan ni Marasigan ang mga residente sa mga lugar na tatamaan ng bagyo na makipag-cooperate sa mga otoridad at sumunod sa ipatutupad na pre-emptive evacuation sa ilang mga peligrosong lugar.


Inaasahang tatahakin ng bagong bagyo ang buong Mindanao, mula sa CARAGA Region, Surigao Del Norte, Surigao del Sur, Agusan del Norte, at Agusan del Sur.

Posible aniya itong mag-landfall sa Davao Oriental at tatawid sa western side ng Mindanao, at possibleng maapektuhan din ang mga lalawigan sa bahagi ng Eastern Visayas.

Kasalukuyang naka red-alert status ang NDRRMC sa pag-antabay sa pag-landfall ng bagyo ngayong gabi o bukas ng madaling araw.

Facebook Comments