BAGYONG VINTA | Mga river basin sa Mindanao, mino-monitor na

Mindanao – Binabantayan ngayon ng PAGASA ang ilang river basin areas sa Mindanao dahil sa mga pag-ulan dala ng bagyong Vinta.

Kabilang dito ang Agus river sa Iligan at Marawi at ang river basin sa Eastern part ng Surigao del Sur.

Inaasahan na mag landfall ang Vinta mamayang gabi o bukas ng madaling araw sa Davao Oriental at Surigao Del Sur.


Namataan ang bagyo 340 kph sa Hinatuan, Surigao Del Sur, nasa 65 kph ang dala nitong hangin at bugso na 80 kph.

Nasa ilalim ng storm signal number 2 ang Surigao del Norte Kabilang ang Siargao Islands, Surigao del Sur, Agusan del Norte, Agusan del sur, at Northern Davao Oriental.

Facebook Comments