Mindanao – Makakaranas pa rin ng pag-ulan ang bahagi ng Mindanao dahil sa epekto ng bagyong Vinta.
Huling namataan ang Bagyong Vinta sa 150km hilagang kanluran ng Zamboanga City, Zamboanga Del Sur na may lakas ng hangin na 75 km/h at pagbugsong aabot sa 90 km/h.
Apektado pa rin ng thunderstorm ang Basilan
Sa bahagi naman ng Visayas ay makakaramdam ng mahinang pag-ulan ang Cebu at Leyte.
Dahil dito, signal number 1 pa din sa Southern Palawan, Zamboanga Del Norte, Zamboanga Del Sur at Zamboanga Sibugay.
Patuloy na paalaa ng PAGASA na maging ma-ingat ang mga mamamayan sa mga nasabing probinsiya sa posibleng landslide at flashfloods.