Bagyong “Wutip”, lalo pang humina

Humina na bilang Severe Tropical Storm (STS) ang bagyong may international name na “Wutip”.

Nananatili pa rin ito sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa layong 1,750 kilometers Silangan ng Central Luzon.

Mayroon na lamang itong lakas ng hanging 110 kilometers per hour at pagbugsong 135 kph.


Kumikilos ito West-Northwest sa bilis na 15 kph.

Ayon kay DOST-Pagasa weather specialist Ezra Bulquerin – humihina ang bagyo dahil binabasag ito ng malamig na hanging amihan.

Dahil sa amihan, mananatiling maaliwalas ang panahon sa malaking bahagi ng bansa.

Malaya ring makakapaglayag ang mga mangingisda at maliliit na sasakyang pandagat dahil walang nakataas na gale warning sa alinmang baybayin ng bansa.

Facebook Comments