Dagupan City – Lubog na naman sa baha ang 12 barangay sa lungsod ng Dagupan sa Pangasinan matapos ang tuloy tuloy na pag-ulan, high tide at pag apaw ng Sinocalan River.
Ayon sa City Disaster Risk Reduction Council Dagupan (CDRRMC) ang mga barangay na nalubog sa baha ay ang Lasip Grande, Poblacion Oeste, Mayombo, Pogo Chico, Perez, PANTAL, Malued, Barangay 2, Barangay 3, Caranglaan, Bacayao Sur at Bacayao Norte. Ang mga barangay na ito ay ang mga barangay na nalubog din noong nakaraang linggo.
Lumampas na sa kritikal na lebel ang tubig sa Sinocalan River na nasa 7. 2 kaya naman binabantayan ngayon ng CDDRMC ang mga low lying barangays at kung maari ay magpatupad ng force evacuation upang mapanitili ang siguridad ng mga Dagupeno.
Idineklara na rin ng walang pasok sa buong lungsod ngayong araw sa lahat ng antas.
BAHA | 12 Barangay sa Dagupan lubog na naman sa tubig!
Facebook Comments