BAHA | 16 na Barangay sa Dagupan Nalubog sa Baha!

Dagupan City – Dahil sa matinding pag-ulan na naranasan kahapon muling nalubog sa baha ang labing anim na mga barangay sa lungsod. Umabot sa 6 inches hanggang 4 ft ang taas ng bahang naranasan sa iba’t ibang lugar ng lungsod ayon sa City Information Office ng Dagupan.

Pinakamalalim ang Barangay Malued na umabot sa 4ft ang tubig baha na naging sanhi ng pag-evacute ng ilang pamilya. Sumabay kasi sa habagat ang high tide na mas lalong nagpataas ng tubig baha.

Sa ngayon patuloy ang pagpapaabot ng tulong medical at iba pang-serbisyo ng City Government sa mga apektadong mga residente.


Patuloy din ang pagbabantay ng CDRRMO sa habagat, high tide, at ang dam monitoring kung saan nag-umpisa ng magpakawala ang San Roque Dam kahapon ng madaling araw.
Ngayong araw ay malalim muli ang mga baha sa halos buong sulok ng lungsod. Pinag-iingat naman ng CHO ang mga residente sa mga sakit na maaring makuha dulot ng pag-baha at masamang panahon.

Facebook Comments