Myanmar – Umabot na sa 50,000 indibidwal ang lumikas matapos lumubog sa baha ang kanilang mga bahay kasunod ng malalakas na ulang hatid ng hanging habagat sa Myanmar.
Pahirapan ang pag-abot ng tulong sa mga apektadong lugar.
Binisita ni Myanmar President Win Myint ang mga displaced residents sa bago region at hinimok ang mga local official na pabilisin ang pagtatayo ng temporary shelters at agarang tulong.
Tinatayang aabot sa 100,000 tao ang naapektuhan ng pagbaha.
Nagbabala na ang national disaster management committee sa mga residenteng malapit sa ilog at mabababang lugar na magsilikas.
Facebook Comments