Nanatili pa ring lubog sa tubig baha ang ilang lugar sa Metro Manila partikular na sa CAMANAVA Area.
Sa report ng DSWD, nanatili pa ring lubog sa tubig baha ang Barangay Dampalit malapit sa Dike sa Malabon City kung saan lagpas tuhod pa ang tubig at hindi passable sa mga sasakyan.
Hindi pa rin madadaanan ng mga light vehicles ang ilang lugar sa Barangay Mabolo, Isla, Bisig, Coloong at Palasan sa Valenzuela dahil lubog pa din sa tubig baha.
Sa bahagi ng Calookan at Navotas area, wala nang napaulat na pagbaha sa lugar.
Sa 13 evacuation center na itinayo sa CAMANAVA, mayroon pang 19 na pamilya o 46 na tao ang nanatili pa rin sa Tangos Elementary School sa Barangay Tangos, Navotas, habang sa Rodriguez sa Barangay Dampalit, Malabon naroroonan pa ang 20 pamilya o 6 na indibidwal.
61 pang pamilya o 234 ang nasa Merville Subdivision Barangay Dampalit, 1 pamilya sa Multi-Purpose Hall Barangay Dampalit, 12 pamilya sa Doña Juana Barangay Dampalit at 2 pang pamilya sa Barangay Hall Tinajeros.
Sa Valenzuela City, bukas pa rin bilang evacuation centers ang Pasolo Elementary School na may 45 pamilya, Wawang Polo na may 7 pamilya, Bisig Evacuation Center na tinitirhan pansamantala ng 5 pamilya, Pariancillo Villa na may isang pamilya, Tagalag 15 pamilya, Coloong 6 na pamilya at 12 pamilya din sa Poblacion Evacuation Center.