BAHA | Kaso ng leptospirosis sa buong bansa, tumaas

Tumaas ng  hanggang 2,229 na ang  kaso ng sakit na leptospirosis  na naitala ng DOH sa  buong bansa  mula Enero 1 hanggang Agosto 4 ngayong taon.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque, ang NCR ang nakapagtala ng pinakamalaking bilang ng leptospirosis cases na umabot na sa 1,227.

Ito ay 358% na mas mataas kumpara sa naitalang 268 cases sa kaparehong panahon noong 2017.


Sinabi pa ni Duque, na ang sunod-sunod na pagbaha sa Metro Manila ang pangunahing dahilan ng paglobo ng kaso ng leptospirosis.

Base pa rin sa datus, may 394 na kaso na ng pagkamatay ang naitala sa buong bansa.

Mula sa naturang bilang na 62 ang namatay sa NCR , Region 7-81, 42 sa Region 6, Region 3-29, 23 sa Region 9, 24 sa Region 4A.

Si Duque ay personal na bumisita at nagbigay ng lecture sa mga estudyante sa Longos Elementary School sa Malabon City.

Facebook Comments