BAHA | Mga Barangay ng Dagupan City at karatig lugar lubog na sab aha!

Dagupan City – Isa sa patuloy na binabayo ng malalakas na hangin at pag-ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat ang lalawigang Pangasinan kung saan ito at nakapaloob parin sa Storm Signal #2 as of . Dito sa Dagupan City bago pa man mag-landfall ang bagyong si Ompong ay nakaranas na ito ng ilang oras na pagbuhos ng malakas na pag-ulan kaya naman ang resulta ay lubog sa tubig baha ang halos lahat ng barangay nito.

Takot naman ang naramdaman ng ilang residente lalo ng mga nasa island barangays dahil sa mabilis na pagtaas ng tubig dahil narin sa lakas ng ulan at hightide. Sa isang facebook post ng residente ng barangay pugaro, Dagupan kita ang mataas na tubig sa harapan mismo ng evacuation building ng barangay.

Samantala, mayroong ding mga pagbaha sa ilang parte ng bayan ng calasiao at santa Barbara Pangasinan. Wala ring kuryente sa ilang lugar sa lalawigan tulad na lamang sa western part ng Pangasinan dahil sa pagbigay ng Labrador Bolinao 69 kilo volts line ng NGCP.


Samantala nagpatupad ng forced evacuation ang PDRRMO sa direktiba narin ng gobernadora para sa mga residente malapit sa coastal areas ng Pangasinan at mga nakatira sa low-lying areas at identified landslide prone areas upang siguruhin ang kanilang kaligtasan.

Facebook Comments