BAHA | Opisina ng DFA sa Pangasinan sarado ngayong araw

Pangasinan – Ipinapaalam ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa publiko na sarado ngayon araw ang Consular Office sa Calasiao, Pangasinan.

Sa abiso na inilabas ng Department of Foreign Affairs (DFA) Office of Consular Affairs (OCA) sa kanilang website sarado ngayon araw ng Lunes ang consular office sa Calasiao dahil sa malawakang pagbaha dala ng mga bagyong nagdaan at pinaigting na habagat.

Ang mga aplikante na mayroon kumpirmadong passport appointment sa apektadong petsa ay ia-accomodate sa mga susunod na araw, na ia-announce oras na magbukas muli ang Consular Office.


Facebook Comments