Baha sa Houston, Texas – humuhupa na

Houston, Texas – Humuhupa na ang baha sa Houston, Texas na dulot ng bagyong Harvey.

Pero nagbabala pa rin ang mga otoridad na delikado pang pumunta sa bahagi ng US Gulf Coast, lalo na sa Texas, Louisiana line.

Kasunod na rin ito ng pagsabog ng isang Texas Chemical Plant dahil sa walang tigil na pag-ulan.


Tuloy pa rin ang search and rescue operations ng Houston Fire Department para tiyaking walang maiiwan.

Matatandaang pumalo sa 37 ang nasawi dahil sa bagyong Harvey.

Facebook Comments