Baha sa Metro Manila, matagal humupa nitong 2018

Mas matagal humupa ang baha sa Metro Manila nitong 2018.

Ayon sa Metro Manila Development Authority (MMDA), tinatayang aabot sa 30 minuto ang hinihintay bago bumaba ang baha sa Kamaynilaan nitong 2018 kumpara sa average na 18.5 minutes noong 2017.

Base sa major final output records – ang 30-minute average ay itinuturing nilang malala dahil lagpas ito sa target nilang 20-minuto.


Nagiging magabal ang paghupa ng baha dahil 41.63% ng mga daluyan ng tubig at drainage systems ang nalinis.

Wala ring zero flood mitigation project ang nakumpleto bago ang tag-ulan nitong 2018.

Inirekomenda na ng Commission on Audit (COA) sa MMDA na gamitin ang kanilang natatanggap na pondo at pabilisin ang pre-procurement activities at ang proseso nito.

Facebook Comments