Ilang lugar na isinailalim sa state of calamity dahil sa matinding pagbaha dulot ng habagat na pinaigting ng bagyong Josie.
Kabilang na rito ang bayan ng Dinalupihan at Balanga City sa Bataaan.
Nananatiling lubog sa baha ang mga bayan ng Hermosa, Orani, Samal, Abucay, Pilar, Orion at Mariveles habang partially flooded ang ilang bahagi ng Morong, Bagac at Limay.
Dahil dito, pansamantalang pinutol muna ang mga linya ng kuryente sa buong probinsya.
Maliban dito, isinailalim na rin sa state of calamity ang buong probinsya ng Cavite.
Ayon kay Governor Boying Remulla, halos lahat ng coastal areas sa probinsya ay lubog sa baha.
Aabot sa dalawang metro ang lalim ng baha sa Imus at Bacood habang sa Noveleta naman ay abot hanggang sa dibdib.
Apektado rin ng hanggang tuhod na pagbaha ang Cavite City, Naic, Tanza at Rosario.
Nauna nang isinailalim sa state of calamity ang ilang bayan sa Pangasinan gaya ng Dagupan City, San Carlos City, Sta. Barbara, Bugallon, Mangatarem at Calasiao at ang bayan ng Licab sa Nueva Ecija.