Bahagayang pagtaas sa seismic activity sa Bulkang Taal, naitala ng PHIVOLCS

45

Nakapagatala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng bahagyang pagtaas sa seismic activity at mga pagbabago sa main crater lake ng Bulkang Taal sa Batangas.

Mula February 13, may kabuuang 68 na volcanic tremor ang naitala hanggang kahapon ng hapon.


Naobserbahan din sa bulkan ang pagtaas ng acidity at temperatura sa main crater lake nito.

Hindi pa rin isinasantabi ng PHIVOLCS ang posibilidad na biglaang pagputok nito dulot ng steam-driven o phreatic explosion at paglabas ng mapanganib na volcanic gas at ashfall.

Base sa pinakahuling bulletin na inilabas ng PHIVOLCS kaninang umaga, nakapagtala pa ng 98 tremor episodes ang bulkan sa nakalipas na 24 oras at pagbuga ng kulay puting usok sa main crater na may taas ng hanggang limang metro.

Ayon sa PHIVOLCS, nanatiling nakataas sa alert level 1 ang status ng Bulkang Taal.




Facebook Comments