
Simula ngayong araw hanggang sa unang araw ng Enero taong 2025 ay sarado ang bahagi ng Ayala Avenue at Makati Avenue.
Ito ay para sa paghahanda sa gagawing New Year’s Eve countdown ng Lungsod ng Makati.
Sa bahagi ng Ayala corner Makati Avenue kase itatayo ngayong araw ang stage, na malapit sa Manila Penisula Hotel at Shangri-La Hotel.
Pagdating ng December 31, pati ang bahagi ng Paseo de Roxas ay isasara na rin para sa isasagawang programa sa gabi.
Facebook Comments