Bahagi ng ancestral lands, kinukunsidera na gawing food production areas ng DA

Plano na rin ng Department of Agriculture (DA) na gawing food production areas ang ilang bahagi ng ancestral lands sa buong bansa.

Layon nito na mapalago pa ang pagkukunan ng food supply sa bansa sa gitna ng paglaban para hindi maikalat ang COVID-19.

Nanawagan na si Agriculture Secretary William Dar sa mga indigenous people na gawing vegetable at high value crop farms ang bahagi ng kanilang lupain.


Maaari silang makapagtanim ng sibuyas, sitaw, patatas, carrots, pineapple, bawang, cauliflower at watermelon, cacao, abaca o makapag-alaga ng native na baboy at manok.

Malaki ang maitutulong nito sa kanila, hindi lamang pagkukunan ng pagkain kundi karagdagang income.

Base sa datus ng National Commission on Indigenous People, may 7.7 million ektarya ng lupain ang okupado ng IPs o 26 percent ng kabuuang 30 million hectares total land area sa buong bansa.

Facebook Comments