Bahagi ng Antipolo City Jail, nasunog

Antipolo City – Sumiklab ang sunog sa isa sa selda ng jail facility ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Antipolo City.

Nangyari ito pasado alas-8:00 kagabi.

Ayon kay Fire Chief Insp. Orlando Antonio – naapektuhan ng sunog ang selda 10 ng male dorm at stock room ng female dorm sa ikalawang palapag.


Umabot sa ikalawang alarma ang sunog at naapula matapos ang isang oras.

Sinabi ni BJMP spokesperson Chief, Insp. Xavier Solda – ‘all accounted for’ ang mahigit 1,500 inmate habang may isa na nakatakas na kinilalang si Simon Michael na may kasong robbery.

Patuloy na siyang tinutugis ng tracker team ng BJMP.

Facebook Comments