BAHAGI NG BAGONG PAMILIHANG BAYAN NG ASINGAN, ILALAAN SA BENTAHAN NG KAKANIN

Maglalaan ang lokal na pamahalaan ng Asingan ng partikular na pwesto para sa bentahan ng kakanin o kankanen sa bahagi ng ipinapatayong bagong pamilihang bayan.

Ayon kay Mayor Carlos Lopez Jr., araw-araw na ang magiging produksyon ng bilao-bilaong kakanin para sa mga turista dahilan upang pagtuunan ng pansin ang kabuhayang ito ng mga residente.

Hiwalay sa iba pang mga produkto ang ‘Kankanen Section’ upang mas madaling makita ng mga mamimili.

Samantala, umabot naman sa abot 700 bilao ng iba’t-ibang luto ng malagkit na inihanda ng higit limampung barangay, paaralan at organisasyon sa bayan para sa Kankanen Festival ngayong taon.

Umaasa ang lokal na pamahalaan na makilala pa ang naturang produkto bilang suporta sa kabuhayan ng mga residente.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments