Bahagi ng barracks ng Philippine Army, nasunog

Nasunog ang isa sa mga military barracks ng Philippine Army sa Fort Bonifacio, Taguig City kaninang umaga.

Sa paunang ulat ng Bureau of Fire Protection-National Capital Region (BFP-NCR), sumiklab ang apoy dakong alas-9:40 ng umaga kanina.

Itinaas sa unang alarma ang sunog at agad ding idineklarang fire out dakong alas-10:09 ng umaga.


Samantala, ayon kay Philippine Army Spokesperson, Col. Xerxes Trinidad, transient barracks para sa mga opisyal ang nasunog na gusali sa loob ng Army Headquarters.

Ani Trinidad, walang nasugatan o nasawi sa nangyaring sunog habang patuloy pang inaalam ang sanhi nito.

Facebook Comments