Binuksan na muli ang bahagi ng Boracay na pansamantalang ipinasara sa publiko ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) matapos lumabas na “safe” ang coliform levels ng tubig.
Ito’y matapos makuhanan ng video ang isang turistang Chinese na hinayaang dumumi ang kanyang anak sa tabing-dagat, na ikinagalit ng maraming Pinoy netizens.
PANOORIN: Dayuhan, ‘pinadumi’ ang anak sa Boracay beach
“UPDATE: The coliform test for water samples taken on August 14, 2019 by EMB-R6 showed safe levels at >1 mpn/100 ml (where the standard is set at not exceeding 100mpn/100ml),” pahayag ng DENR, Huwebes.
“In view of this, DENR Secretary Roy A. Cimatu ordered at 5pm of August 15, the lifting of the cordon and swimming ban at the beachfront area where the ‘pooping’ incident happened,” dagdag nito.
Miyerkules nang ipag-utos ni Cimatu ang pagpapasara ng Station 1, kung saan nakuhanan ang viral na video, sa loob ng 48 oras.
Wala pa namang balita sa pagkakakilanlan ng babae sa video.
Nag-alok na rin ng tulong ang Bureau of Immigration (BI) para hanapin ang pananaguting turista.