Bahagi ng flood control project sa Reina Mercedes, Isabela, gumuho

Gumuho ang ibang bahagi ng flood control project sa Barangay Mallalatang Tunggui, Reina Mercedes, Isabela.

‎Sa panayam ng iFM News Team kay Barangay Captain Joey Salvador, ibinahagi niya na bigla na lamang umanong gumuho ang flood control project nang tumaas ang lebel ng ilog sa kanilang lugar.‎

‎Ayon pa sa kanya, bago pa lang at wala pang isang taon ang naturang proyekto nang mangyari ang pagguho.‎

‎Dagdag pa nito, “[concerned]” umano siya bilang kapitan ng kanilang barangay dahil maraming tanim ang maaaring masira dahil dito.

‎Nasasayangan din umano siya sa perang ginastos para sa paggawa ng flood control.‎

Giit ng kapitan, dapat matibay umano ang mga ganitong uri ng proyekto.

‎Samantala, nang bisitahin ng iFM News Team, ang nasabing site ay kapansin-pansin ang maninipis na semento at bakal na ginamit. ‎

‎Nakita rin na walang laman o backfill ang ilalim ng naturang flood control project.

Facebook Comments