Nagmistulang playground ang bahagi ng gilid ng Adriatico St. sa Maynila dahil doon mismo nagtatakbuhan at naglalaro ang mga batang residente sa lugar.
Minsan ay umaabot sa gitna ng kalsada ang takbuhan ng mga bata at mapanganib ito dahil maraming dumadaan na motorista sa lugar.
Ilan din sa mga bata ay namataan ng DZXL Pulso ng Metro na bigla na lamang na sumasampa sa mga sasakyan habang naka-stop para manghingi ng pera.
Nakipag-ugnayan ang DZXL Pulso ng Metro sa Barangay 669 na nakakasakop sa Adriatico St. at nangako si Barangay Secretary Rollie Ligtas na makikipag-ugnayan siya sa Manila Social Welfare Department para maaksyunan ang problema ng mga motoristang dumadaan sa lugar.
Facebook Comments