Inihayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na niyanig ng Magnitude 4.7 na lindol ang bahagi ng Ilocos Norte kaninang 2:32 ng madaling araw.
Base sa ipinalabas na updated earthquake information ng PHIVOLCS, napag-alaman na ang sentro ng lindol ay sa 63 na kilometro sa hilagang-kanluran ng Currimao, Ilocos Norte o nasa bahaging karagatan ng Ilocos Norte.
Nabatid ng PHIVOLCS na tectonic ang origin ng lindol at may lalim na 16 kilometro kung saan ay naramdaman ang Intensity 4 na pagyanig sa mga bayan ng Batac, Currimao, Paoay, at San Nicolas sa Ilocos Norte, ganoon din sa bayan ng Sinait, Ilocos Sur, habang Intensity 3 naman sa Laoag City.
Paliwanag pa ng PHIVOLCS, wala namang inaasahang pinsalang idudulot ang pagyanig sa naturang mga lugar kaya’t walang dapat ipangamba ang publiko.