
Nakiisa si Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon sa mga umaapela na isapubliko ang mga pagdinig ng Independent Commission for Infrastructure o ICI ukol sa maanumalyang flood control projects.
Binanggit ni Ridon, na maaring ibukas sa publiko ng ICI ang affidavit o pagbasa sa sinumpaang salaysay ng mga ipinapatawag nitong resource person at ang initial inquiry dito ng mga commissioners.
Ayon kay Ridon, na sya ring co-chairman ng House Infrasture Committee, katulad sa mga proceedings sa korte ay may bahagi na maaring isapubliko at hindi pwedeng gawin sa executive session lahat.
Sabi ni Ridon, sa mga korte ay may mga pagkakataon na nakakapasok ang media, at iba pang intresadong partido.
Facebook Comments









