Bahagi ng intel fund ng PNP, pinapalipat ni Senator Trillanes sa intel fund ng AFP

Manila, Philippines – Inaprubahan na ng Committee on Finance ang P195-billion pesos na panklalang pondo para sa Department of National Defense sa taong 2018.

Pero si Senator Antonio Trillanes IV, ihihirit pang madagdagan ang P1.58 billion pesos na intelligence fund para sa Armed Forces of the Philippines na tumaas lang ng P220 million pesos para sa susunod na taon.

Kinukwestyon kasi ni Trillanes ang P500 million pesos na nadagdag sa intelligence fund ng Philippine National Police na aniya ay posibleng gamitin lang sa Oplan Double Barrel at Oplan Tokhang.


Giit ni Trillanes, mas dapat madagdagan ng malaki ang intelligence fund ng AFP sa harap ng gulo sa Marawi at iba pang banta sa pambansang seguridad tulad ng agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.

Facebook Comments