BAHAGI NG IRRIGATION CANAL, GUMUHO SA ALINAM

CAUAYAN CITY- Gumuho ang mahigit dalawampung metrong haba ng daan na bahagi ng irrigation canal sa Purok 7 Brgy. Alinam, Cauayan City, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng IFM News Team sa ilang residente ng lugar, bandang alas syete ng umaga nang makita nilang gumuho ang bahaging ito ng irrigation canal.

Wala naman umano silang napansin na bitak o senyales na maaaring maging dahilan ng pagguho ng lupa dahil kamakailan lamang naman nasemento ang kalsada na ito.


Bandang alas dos naman ng hapon nagpadala ang Provider’s ng backhoe at dalawang trak na naglalaman ng mga malalaking tipak ng semento na nagtungo sa lugar upang rumesponde.

Samantala, pansamantalang isinara ang nasabing daan sa mga residente at motorista.

Facebook Comments