Patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog sa isang bahagi ng Kampo Aguinaldo.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Public Affairs Office chief, Col. Jorry Baclor dakong alas-5 ng hapon kanina nang sumiklab ang apoy sa barracks ng Communications, Electronics, and Information Services, AFP (CEISSAFP) Compound.
Aniya, agad na rumesponde ang firetruck ng AFP at ang iba pang pamatay sunog sa lugar kung saan idineklarang fire out ang sunog bandang alas-7:00 ng gabi.
Sinabi pa nito na tanging ang barracks ng mga tauhan ng AFP ang nasunog at wala namang nasaktan sa naturang insidente.
Facebook Comments