Bahagi ng koleksyon ng gobyerno mula buwis sa produktong petrolyo, maaring gamitin sa paglilinis sa oil spill sa Oriental Mindoro

Iminungkahi ni House Deputy Speaker at Batangas Representative Ralph Recto, na gamitin ang katas ng buwis na ipinapataw sa langis sa paglilinis sa malawakang oil spill sa karagatan ng Oriental Mindoro.

Ayon kay Recto, 380 billion pesos taun-taon ang nakokolekta ng gobyerno mula sa krudo at produktong petrolyo at ang bahagi nito ay maaring ilaan sa clean-up ng Mindoro oil spill.

Sabi ni Recto, pwede itong simulan sa halagang isang bilyong piso mula sa oil tax collections para mapagaan o mabawasan ang epekto ng oil spill sa iba’t ibang lugar at maiwasang humantong ito sa ecological disaster.


Ipinunto pa ni Recto na layunin ng dagdag o pagtaas sa buwis na ipinapataw sa langis ay bilang kapalit ng pinsalang dulot nito sa kalusugan at kalikasan.

Facebook Comments