Bahagi ng lupa sa Tondo, Maynila, ipinarereserba ni PBBM para sa housing projects

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagreserba ng bahagi ng lupa sa Tondo, Maynila para sa ownership at development projects ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).

Inilabas ng pangulo ang Proclamation No. 610 na nagrereserba sa Lot 4-A land portion para sa urban development ng DHSUD.

Ito ay alinsunod sa rekomendasyon ng Depeartment of Environment and Natural Resources (DENR).


Dahil sa proklamasyon, lumikha ng Project Inter-Agency Committee (PIAC) kung saan ang DHSUD ang tatayong chairman, habang ang DENR at City Government of Manila ang mga miyembro.

Babalangkas naman ang PIAC at magpapalabas ng Implementing Rules and Regulations ng proklamasyon at tutukuyin ang mga benepisaryo ng pabahay ng ‘township development’.

Facebook Comments