Bahagi ng Magallanes interchange, isasara bukas

Simula bukas, April 1, hindi muna madadaanan ng mga sasakyan ang isang bahagi ng Magallanes interchange.

 

Sa abiso ng MMDA, eksaktong alas 6:00 ng umaga isasara ang left-turning ramp sa Magallanes interchange mula manila patungong EDSA Northbound at Cubao.

 

Kaya para sa mga motoristang magmumula sa maynila at papuntang edsa northbound at cubao. Gamitin ang Magallanes loop/ Magallanes village o Nichols interchange.


 

Paliwanag ng MMDA ang road closure ay bahagi ng ipatutypad na traffic management plan ng tanggapan para masolusyunan ang problema sa trapiko at aksidente sa kalsada.

 

Base sa MMDA Traffic Engineering Center, nasa 7,722 mga sasakyan ang dumadaan sa Magallanes interchange mula maynila papuntang EDSA Northbound habang 19,304 ang bumabaybay mula EDSA papuntang South Superhighway na nagdudulot ng traffic gridlock at mga aksidente.

 

Noong 2017, nasa 360 road crash ang naitala sa Magallanes interchange habang 292 naman noong nakaraang taon.

Facebook Comments