Bahagi ng Magassi Bridge, Kinukumpuni ng DPWH para sa ligtas na Biyahe

Cauayan City, Isabela- Isinasaayos na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Isabela 1st District Engineering Office ang bumigay na bahagi ng Magassi Bridge sa bayan ng Cabagan nitong nakalipas na mga araw bunsod ng walang humpay na buhos ng ulan.

Ayon kay Engr. Bong Vehemente, Assistant Engineer ng DPWH 1st District, nagkaroon ng concrete shoulder scouring sa dulong bahagi ng tulay kung kaya’t agad itong bumigay dahil sa kasagsagan ng ulan.

Aniya, nakaposisyon ang mga tauhan ng ahensya sa lugar upang magbigay paalala sa mga motorista habang kinukumpuni ang nasabing pagbagsak ng kalsada.


Giit ng opisyal, approaches ng tulay ang naging problema at hindi ang mismong structure ng tulay.

Maliban dito, kasalukuyan rin ang pagpapalawak ng daan sa bahagi naman ng City of Ilagan.

Paalala ngayon ng mga awtoridad na mag-ingat sa pagmamaneho upang makaiwas sa anumang hindi inaasahang insidente.

Facebook Comments