Bahagi ng Marcos Highway Bridge, isasara sa weekend

Pansamantalang isasara sa Mayo a-kwatro ang bahagi ng Marcos Highway Bridge para sa gagawing rehabilitasyon na nagkakahalaga ng P150 Milyon.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), magsisimula ang rehabilitasyon sa Sabado mula alas 11:00 ng gabi at tatagal ng apat hanggang limang buwan.

Unang isasara ang silangang bahagi ng tulay na nagkokonekta sa Katipunan Avenue, Marikina at Antipolo, Rizal.


Pagkatapos ay sunod na aayusin ang kanlurang bahagi ng tulay.

Kasabay nito, magpapatupad ng truck ban tuwing alas-6 hanggang alas-10 ng umaga para makabiyahe ang mga pribadong sasakyan mula Marikina na hindi maiipit sa trapik.

Facebook Comments