Bahagi ng Mosul na kontrolado pa rin ng ISIS – babawiin na ng Iraqi forces

Iraq – Handa nang bawiin ng Iraqi forces ang huling bahagi ng Mosul na kontrolado ng mga militanteng ISIS.

Ayon kay Brig. General Yahya Rasoul, wala nang siyam na porsiyento ng Mosul ang hawak ng ISIS.

Kumpiyansa naman ang Iraqi Forces na mababawi nila sa lalong madaling panahon ang nasabing bahagi ng Mosul.


Una rito, libu-libong residente ng lugar ang nagsilikas dahil sa takot na madamay sa kaguluhang dala ng teroristang grupo.

Facebook Comments