Bahagi ng nasunog na gusali ng DPWH, dating opisina ng dating asawa ni DPWH Bulacan First District Engr. Brice Hernandez

Kinumpirma ng director ng Department of Public Works and Highways o DPWH-Bureau of Research and Standards (DPWH-BRS) na dating nag-opisina ang dating asawa ni Bulacan First District Engineer Brice Hernandez sa gusali na nasunog kanina.

Ayon kay DPWH-BRS Director Juliana Vergara, sa ikatlong palapag ng gusali kung saan nagsimula ang sunog nag-opisina ang dating asawa ni Brice.

Pero ngayong taon nag-resign ang naturang empleyado na hindi na pinangalanan ni Vergara.

Hindi na rin nagbigay ng karagdagang impormasyon si Vergara kung bakit nag-resign ang dating asawa ni Brice.

Facebook Comments