Bahagi ng NLEX, pansamantalang isasara sa mga motorista

Nag-abiso ang North Luzon Expressway (NLEX) na pansamantalang isasara sa mga motorista ang NLEX Harbor Link R10 Ramp at ang NLEX Connector l.

Ito’y dahil sa isasagawang Safety Enhancement Works.

Sa inilabas na abiso ng NLEX Corporation, isasara ang mga nabanggit na bahagi ng expressway sa January 18 ng alas-10:00 ng gabi hanggang ala-1:00 ng madaling araw ng January 19, 2024.


Nabatid na papuntang Mindanao Avenue ang NLEX Harbor Link Ramp R10 habang papuntang Valenzuela, Bulacan, at Pampanga ang NLEX Connector I.

Pinapayuhan ang lahat ng motorista na papuntang Mindanao Avenue o sa NLEX Northbound mula sa R10 na dumaan muna sa C3 road at pumasok sa NLEX Harbor Link C3 Entry Ramp.

Ang mga papunta naman sa NLEX Connector ay maaaring dumaan sa C3 Road at pumasok sa NLEX Connector C3 Entry Ramp.

Magtatalaga ang NLEX ng patrol at marshals sa strategic areas bukod pa sa mga ilalagay na directional sign para maging mas maayos ang daloy ng trapiko.

Facebook Comments