Bahagi ng Philippine General Hospital sa Maynila, nasunog

Nasunog ang bahagi ng Philippine General Hospital kagabi.

Umabot pa ito sa ikatlong alarma pero idineklara na rin na fire under control dakong alas-2:46 kanina.

Agad namang nagpadala ang Philippine Red Cross ng mga firetruck at mga ambulansiya upang tumulong sa pag-apula ng sunog.


Ito na ang ikalawang sunog na naitala sa mga ospital sa Metro Manila ngayong linggo matapos masunog din ang Pasig City General Hospital nitong Miyerkules.

Facebook Comments