Bahagi ng Philippine Rise, nais ng isang mambabatas na ideklara bilang protected area

Isinulong ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez na ideklara bilang protected area ang malaking bahagi ng Philippine Rise na dating tinatawag na Benham Bank.

Nakasaad sa House Bill No. 5687 na inihain ni Rodriguez na kikilalanin ito bilang Philippine Rise Marine Resource Reserve sa ilalim ng Expanded National Integrated Protected Areas System Law.

Layunin ng panukala ni Rodriguez na mapangalagaang mabuti ang naturang lugar at mapakinabangan ang taglay nitong marine resources tulad ng iba’t ibang uri ng isda at iba pang yamang-dagat.


Itinatakda rin ng panukala na mabigyan ng dagdag na pondo ang pagpapatrolya sa Philippine Rise na isinasagawa ng Philippine Coast Guard, Philippine National Police Maritime Group, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, at Armed Forces of the Philippines.

Higit sa lahat, ayon kay Rodriquez, ang pagsasabatas sa kaniyang panukala ay pagsusulong ng soberenya ng ating basa sa naturang bahagi ng karagatan at resources na sakop ng ating teritoryo.

Facebook Comments