Bahagi ng pondo para sa pagpapatayo ng Comelec building sa Pasay, kukunin sa 2023 national budget

Courtesy of skyscrapercity.com

Kinumpirma ng Commission on Elections (Comelec) na aabot sa 9.3 billion pesos ang kabuuang halaga ng pinapatayo nilang main office sa Pasay City.

500 million pesos naman sa pondong ito ay kukunin mula sa panukalang 2023 national budget.

Ang itatayong main office ng poll body sa Mall of Asia (MOA) Complex, Pasay City ay binubuo ng tatlong gusali.


Sa taong 2023, ang panukalang budget naman ng Comelec ay 5.2 billion pesos.

Facebook Comments