BAHAGI NG RIZAL AVENUE SA MANGALDAN, PANSAMANTALANG ISASARA PARA SA CHILDREN’S CONGRESS

Pansamantalang isasara ngayong Martes ang bahagi ng Rizal Avenue sa Mangaldan, Pangasinan — mula Municipal Hall hanggang J.L. De Guzman St. — mula 2:00 PM hanggang 5:00 PM upang bigyang-daan ang Children’s Congress.

Pinapayuhan ng lokal na pamahalaan ang mga motorista, kabilang ang private at public utility vehicle drivers, na gumamit ng alternatibong ruta papasok at palabas ng central business district upang maiwasan ang mabigat na trapiko.

Humihiling din ang LGU ng pang-unawa at kooperasyon ng publiko habang ipinatutupad ang pansamantalang pagsasara.

Nakaantabay naman ang Public Order and Safety Office (POSO) at Mangaldan PNP upang magbigay-gabay at masiguro ang maayos na daloy ng trapiko sa lugar.

Facebook Comments