Hinikayat ni Committee on Economic Affairs Chairpeson Senator Imee Marcos ang pamahaalan na magpatupad ng sagip sahod program para karguhin ang 75-percent sa payroll ng mga empleydo ng mga maliliit na negosyo.
Nakapaloob ito sa Senate Bill Number 1431 na inihain ni Marcos na layuning matutulungan ang mga maliliit na kumpanya na mag operate matapos ang lockdown dahil sa COVID-19.
Ayon kay Marcos, aabot sa 63 billion pesos kada buwan ang kakailanganin para maibigay ang wage subsidy sa tinatayang higit limang milyong manggagawa.
Kakayanin naman anya ng Gobyernyo ito dahil may savings sa 2019 budget at ngayong 2020 ay may koleksyon naman.
Facebook Comments