Bahagi ng Sinovac vaccines na dumating sa bansa kanina, nakalaan sa Filipino-Chinese community sa bansa

60

500,000 doses ng Sinovac COVID-19 vaccines na dumating sa bansa kanina mula China ay naka-allocate sa Filipino-Chinese community sa bansa.

Sa kabuuang 1.5 million doses ng Sinovac vaccines na dumating kanina, kalahating milyong doses dito ay binili ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry.


Habang ang 1 million doses naman ay binili ng Pamahalaan ng Pilipinas

Kabilang sa mga sumalubong sa pagdating ng bakuna sina Dr. James Dy ng Chinese General Hospital, dating Philippine Chamber of Commerce and Industry President Francis Chua, Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez at Health Secretary Francisco Duque III.

Alas-7:16 kaninang umaga nang lumapag ang eroplano ng Cebu Pacific sakay ang Sinovac vaccines mula Beijing.

Facebook Comments