Bahagi ng Skyway Stage 3 project, bubuksan na sa mga motorista

Image via Facebook/Mark Villar

Bubuksan na sa mga motorista ang ilang bahagi ng Metro Manila Skyway Stage 3 project sa susunod na dalawang linggo, ayon kay Department of Public Works and Highway (DPWH) Secretary Mark Villar.

Ani Villar, maari nang daanan ang Plaza Dilao Exit at dahilan ito para madagdagan ng apat na kilometro sa Skyway.

Bahagi ng nasabing proyekto ang ginagawang mahigit 18 kilometrong elevated highway na magdurugtong mula Buendia, Makati City hanggang Balintawak, Quezon City.


“Ang target namin by the end of the year substantiallPry completed na yung Skyway,” dagdag pa ng kalihim.

Kapag tuluyang natapos ang Skyway Stage 3 project, magiging 15 hanggang 20 minuto na lamang ang biyahe mula Buendia patungong Balintawak na kadalasang inaabot ng isa o dalawng oras.

“The Skyway will also connect the Northern Luzon Expressway (NLEX) to the South Luzon Expressway (SLEX). “So hindi na kailangang dumaan sa EDSA,” tugon ni Villar.

Sumasailalim pa sa negosasyon hanggang ngayon ang magiging singil sa toll.

Facebook Comments