Bahagi ng tinanggal na flood control funds, idinagdag sa alokasyon para sa AICS at TUPAD

Nagdesisyon ang mga kongresistang kasapi ng Budget Amendments Review Sub-Committee na dagdagan ang pondo para sa Tulong Panghanapbuhay Para sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD program ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ang salaping idaragdag sa mga programang TUPAD at AICS ay hinugot sa P255-billion na alokasyon sa flood control programs na ibinawas sa pondo ng Departmenf of Public Works and Highways (DPWH) para sa susunod na taon.

P32.6 billion naman ang halagang idaragdag sa AICS habang P14.82 billion naman sa TUPAD o kabuuang P46-billion.

Dahil dito ay umakyat sa P59.5 billion ang panukalang pondo para sa AICS sa susunod na taon mula sa P26.9 billion, habang tumaas naman sa P26.9 billion ang P12.1 billion na proposed budget para sa TUPAD.

Ang dagdag pondo para sa AICS at TUPAD ay isinulong ni House Minority Leader at 4Ps Representative Marcelino Libanan at walang tumutol sa mga miyembro ng subcommittee.

Facebook Comments