BAHAGYA | Mga tumutungo sa Manila South Cemetery, nabawasan

Manila, Philippines – Bahagyang nabawasan ang bilang ng mga pumapasok sa Manila South Cemetery para dumalaw sa mga yumaong mahal sa buhay.

Batay sa monitoring ng Advance command post ng Task Unit South nabawasan ng mahigit apat na libong mga indibidwal ang mga pumapasok sa Manila South Cemetery.

Naitala ang pagbaba ng bilang mga mga pumapasok dito sa manila south cemetery sa pagitan ng alas 12:00 hanggang 1:00 ng tanghali.


Kaninang alas-11:00 hanggang alas-12:00 ng tanghali ay naitala ang crowd estimate na 87,560 bumaba ito sa 83, 861.

As of 11:50 ng tanghali naman nakakumpiska ang task unit south ng 174 mga bawal na bagay ang nakumpiska.

kinabibilangan ito ng 39 na mga bladed weapons, 71 flammable materials, 2 gambling materials, 13 gardening tools at 48 na iba pa.

Facebook Comments