Bahagyang pagbagal ng vaccination program sa NCR sa panahon ng ECQ, pinag-aaralan na

Gumagana ang ipinapatupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR).

Ito ang nilinaw ni National Task Force Against COVID-19 Special Adviser Dr. Ted Herbosa sa harap ng naitatalang mahigit 14,000 bagong kaso ng COVID-19 noong mga nakaraang araw.

Paliwanag ni Herbosa, ang nasabing bilang ay naitala bago ang ECQ dahil makikita lamang ang epekto ng lockdown sa ika-sampung araw ng pagpapatupad nito.


“Tamang-tama, exactly the same, right after the 10th or 11th day bumagsak from 14,000 to 10,000. So sana ano, wala nang sipa pataas. Sana tuloy-tuloy nang steady yan to 10,000 until bumaba ulit sa 5,000,” saad ni Herbosa sa interview ng RMN Manila.

Samantala, pinag-aaralan na ng mga eksperto ang mga posibleng dahilan ng bahagyang pagbagal ng vaccination program sa NCR sa gitna ng lockdown.

“Maraming factors ‘no? Karamihan diyan siguro yung pagdami rin ng kaso kasi yung ating mga vaccinators, syempre mga galing din sa ospital karamihan niya, baka nare-redeploy ‘no. Tapos yung pagdistribute ng supplies, although maraming supplies, parang kung minsan hindi dumarating doon sa ibang lugar so nagkakaroon ng delay,” ani Herbosa.

“Tapos may mga no show ‘di ba? Nagpipre-register tapos hindi sumisipot, bumababa yung ating output.”

Nabatid na mula sa dating 700,000 na nababakunahan kada araw ay bumaba ito sa 500,000.

Facebook Comments