Bahagyang pagtaas ng COVID-19 admissions sa mga ospital, kinumpirma ng Philippine Medical Association

Nakapagtala ang Philippine Medical Association (PMA) ng bahagyang pagtaas sa admission ng mga ospital na mga pasyenteng may COVID-19 sa Metro Manila.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni PMA President Dr. Benito Atienza na base sa impormasyon mula sa Department of Health, mayroon na muling mga kaso ng COVID-19 ang naoospital sa National Capital Region.

Bagamat mangilan-ngilan lamang aniya pero nakakapagtala pa rin ng pagtaas kumpara sa normal admission.


Kasunod nito, umaapela si Dr. Atienza sa publiko na patuloy na mag-ingat lalo pa at maluwag na ang travel restrictions kung saan hindi na required sa ngayon ang quarantine at tanging self-monitoring na lamang.

Aniya, dapat pa ring magsuot ng face mask at sumunod sa health and safety protocols dahil nananatili pa rin ang banta ng COVID-19.

Facebook Comments