Hindi ikinaalarma ng Malacañang ang inflation rate nitong Hunyo.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang inflation rate na 2.5% ay nananatili pa ring mababa.
Aniya, hindi ito nalalayo sa 2.1% inflation noong Mayo kaya hindi dapat ito ikabahala.
Paliwanag ni Roque, ang dahan-dahang pagbubukas ng ekonomiya ang dahilan kung bakit bahagyang umakyat ang inflation.
Nabatid na target ng pamahalaan ang inflation para sa taong 2020 sa 2 hanggang 4%.
Facebook Comments