Bahagyang pagtaas ng positivity rate ng COVID-19 sa Metro Manila, hindi pa maaaring maiugnay sa pagluluwag ng pagsusuot ng face mask ayon sa DOH

Hindi pa rin mai-uugnay sa pagluluwag ng pagsusuot ng face mask ang naitalang bahagyang pagtaas ng positivity rate ng COVID-19 sa Metro Manila.

Ito ang nilinaw ng Department of Health matapos maitala nitong September 15 ng OCTA Research Group ang 15.3% na weekly positivity rate sa Metro Manila na mas mataas sa 12.9% nitong nakaraang linggo.

Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, kailangan pa ang hanggang sa dalawang linggong obserbasyon para matukoy ang mga epekto ng boluntaryong pagsusuot ng face masks sa bansa.


Nabatid na Bukod sa pagtaas ng bilang ng mga nagpopositibo, tumaas din ang health care utilization rate mula 36% sa 39%.

Facebook Comments